CeBooBoo

Hulaan nyo kung nasaan ako! Tama, nasa Cebu ako ngayon. Grabe ang saya dito. Parang Manila din, pero mas maraming bisaya. Sana marunong ako magbisaya, ang cute kasi pakingan. Anyways! Day 3 p.m. na ngayon. Naka 5 get ups na ako, on schedule lahat :) Naka kita kami ng PC shop ni BooBoo kaya upload agad ng pics (kailangan din kasi maliit lang memory card ng dala naming digicam). Sa ngayon, nakipag meet si BooBoo sa kanyang mga relatives dito at syempre hiya naman ako sumama. Baka kung ano isipin nila! Hehe. Kaya eto, kwentuhan ko na kayo..at pictures chempre! Ayan. Nung Thursday, punta kami ng South Pier. Wala naman ganong hassle sa paghanap ng pier. Ang saya nga kasi everything was on time, lahat parang nangyari for a reason. Pagdating sa pier, natakot ako ng onti ng nakita ko ang barko. First time ko kasi at medyo malaki sya. Baka masakit. Hehe! Joke time! Pero tama naman, first time ko naman talaga at malaki ang barko. Takot akong baka lumubog! Paano na lang ang mga gamit ko. Pero, kita nyo naman, nagblo-blog ako ng hindi under the sea kaya ligtas kaming nakarating. Salamat at shout out sa patron ng Antipolo! Anyways, gulat lang kami kasi ang daming tao. Kala namin kami kami lang. Parang namigay ata ng libreng pamasahe pauwi si Gloria. Ewan ko ba. Tapos ung stinay-an namin, na kay ganda sa pictures..boog! Nagiba ng anyo. Nagmukhang concentration camp. Pero okay lang. Mura lang naman binayad namin. Pero kung may chance, dun na kami sa keybin, sabi ni BooBoo. :) Birthday nga pala ni BooBoo ng August 29 kaya bumili kami ng konting food at doughnuts! Wala na kaming nakitang cake e.

Happy Birthday BooBoo! Tsalap! Malupet na sugar rush yan! Hindi po kami mga Natzi..
After naming mag settle sa aming bed, akyat na kami sa deck. Aalis na ang barko at gusto naming makita ang aming pag alis. Baka humabol si Leonardo DiCaprio, malay mo.
Ganda, parang Spirited Away lang Eto ang mga boats kung sakali mang *gulp* lumubog kami Bye Bye Manila! We're gonna miss you! Okay, not really! Kulitan 22 years old puppy New Dramarama sa Hapon : Kuhanan mo ako.. ..kukuhanan rin kita.
Tapos nyan, libot libot na kami sa barko. Ang konti lang ng mapupuntahan. At konti lang cute. 4 lang ata nakita namin ni BooBoo. Swerte na dahil si Kuyang Guitar nasa ilalim ng bed namin. Gitara nga ng gitara, hinaharana siguro ako.
Kainan na ulit! Tataba ako dito! Tsalap ng mami at cake! Sensya na sa pagiging tabingi, ayaw rumotate ng picture Pag birthday, may speghetti at cake dapat chempre! Ako kunwari si Rose.. ..at siya naman si Jack Kamusta naman ang pamamalakad nyo dyan ha?! Saan nga kami papunta?! Saan nga?! Cge bigyan ko kayo ng clue.. Turista kuno Basa kunwari Browse kuno Aray ku! May nakain ata ako! Basa Kuno Ayan, umaga na at intay na kami ng aming breakfast! :) Tom Jones na ako ate, bilisan mooohh Yan na kainan na! At matching sunrise na sa labas.. Frame Yey! Good morning! Captain, may bumabakat! Modelo Modelo din Kewl pic Antok na
Tapos ng paglilibot ng paulit ulit, sleep muna kami. Hapon na kami nagising, nag lunch lang tapos balik deck ulit. Night time na at buti naabutan namin ang dawn. Ang ganda ng effect.
Everything's so blurry.. Kagwapo Humihintay ng pick up.. Holler! Holler! Nakalimot mag bra Kunwari mahaba buhok ko.. hehe Bakit kulay Frankenstein kami?! Astig Kuno My pwet hole is the airvent
Ilang oras pa at ayan, nasa Cebu na daw kami, sabi ng announcer. Sinasabi nya to both in English then Tagalog.
Handang handa na akong bumaba..kasama ng aking Versace bag This is how you make an entrance At yan, nasa baba na kami! Unang tungtong ko sa Cebu! :) Yan si BooBoo naman! Sumingit mga kargador
Pag dating namin, buti andito ang isang friend ni BooBoo na si John. Sinamahan nya kami sa aming magiging bahay dito. Ang Cest La Vie! So bongga ano? So baklush. John was very nice, parang si Dale na dati kong ka opis at miss ko na. Sinamahan nya kami sa isang must try na siomai-yan dito. Eto sya.. Sarap ng siomai at ang rice, kakaiba ang presentation. Nakabalot sa dahon ng buko, at ang ganda ng balot. Parang prjoect lang sa T.H.E.
Yan, kain na naman :) Ako at si John Si BooBoo at si John Picture lang, kunwari nasa Macau Nasa Macau pa rin Nasa Macau pa rin yan, maniwala kayo
Tapos nun, uwi na kami sa aming bahay. Ligo lang at boog! Honeymoon na agad. Okay naman ang place namin, medyo malapit sa mga establishment. Mura na din. 800 lang per night, same sa sinet naming budget kung sa Sogo kami nag stay. Pero sa Sogo may free chicken ata at may porn channel! Tama ba? Di ko alam e. Hehe :) Morning naman! Day 3 na ito.
Magandang Umaga! Breakfast kami sa best tapsilogan daw in Cebu, sabi ng paskil sa store nila In fairness, masarap nga :) Kung gusto nyo malaman kung anong tapsihan to, eto hanapin nyo, katapat nya itong resto sa pic sa taas Eto ang place namin..binili ko na yan, kinash ko na, ayaw nila ng coins e Haha, may tutang tatawid At yan, dito kami nag PC! Just a block away from our place ..and don't you forget it!
So! Galing na kami ng Magellan's Cross - na ang ganda, very humbling. Dati sa books ko lang nakikita ngayon nakita ko na in real life. Ayaw lang magpa autograph kaya nakipicture na lang kami. Di pa namin na upload pics nun. Maya na siguro. Uwi na ako after nito, at hinayin ko si BooBoo. Maya ay dinner kami tapos ay punta sa Starbucks. Bukas naman punta sa Taoist Temple, sa SM Cebu at kung saan pa. Tapos next day, uuwi na. Ayaw ko ng umuwi! Dito na lang ako! Kahit taga buro ng dried mango o taga tinda ng dangit. Basta 20k sweldo :)
O sya! Enjoy ba kayo? Kami oo. Have fun! Ingat palagi! :)

0 CLICK HERE TO COMMENT:


 

Blogger Templates. Sponsored by Link Page Report Card